|
Nasa Langit Ba Si Pope John Paul II?
Rev.
Angus Stewart
“At mula sa Hades na kanyang pinagdurusahan ay tumingala siya...”
(Lucas 16:23 )
Mismong si John Paul II, noong nabubuhay pa siya sa mundo, ay hindi inangkin
na pagkamatay niya ay makakasama niya si Cristo sa paraiso. Dahil ayon sa
opisyal na katuruang Romano Catolico, walang sinuman ang makakaalam kung
pupunta siya sa langit kapag siya ay namatay, maliban sa pamamagitan ng
espesyal at direktang kapahayagan. Ang ipinapalagay na merito ng mga misa,
penitensya, pagdalangin sa mga santo, pag-aayuno, mga panatang paglalakbay,
mga indulhensya at ang iba pa ay hindi makapagbibigay kaaliwan at katiyakan
ng walang hanggang kaligtasan. Sapagkat sino ang makapagsasabi na ang
kanilang mga gawa ay busilak? At kailan sila nakagawa nang sapat? Tanong nga
ng kawikaan, “Puso ko'y aking nalinisan; ako'y malinis mula sa aking
kasalanan”? (Kawikaan 20:9 ).
Bukod pa rito, ang Iglesia Romana Catolica mismo ay hindi naniniwala na si
John Paul II ay nasa langit. Masdan ang mga misa para sa patay at ang mga
panalanging iniaalay para sa kanyang kaluluwa. Sang-ayon sa katuruang Romano
Catolico sila lamang na nasa purgatoryo at hindi sila na nasa Langit ang
nakikinabang sa mga ganoong misa at panalangin. Subalit ang purgatoryo ay
kathang-isip lamang! Ayon sa pagkakalahad ng Westminster Confession,
“Maliban sa dalawang pook na ito para sa mga kaluluwang nahiwalay sa
kanilang mga katawan [Langit at Impyerno], wala nang kinikilala pa ang
kasulatan” (32:1).
Bagamang kinikilala ng maraming “sinserong tao” na ang Papa ay nasa Langit
at iniisip ng Iglesia Romana na siya ay nasa purgatoryo, nauunawaan ng
biblikal na Cristiano na siya ay nasa Impyerno. Ipapakita ko sa ibaba ang
dalawang simpleng dahilan sa kongklusyong ito: ang pangangaral niya ng ibang
ebanghelyo at ang kanyang idolatriya o pagsamba sa diyus-diyosan.
(1) Tinutulan ng Papa ang “pag-aaring ganap” (justification)
sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang, na tinatawag ng
Diyos na “katotohanan ng ebanghelyo” (Gal. 2:5, 14). Nabuhay si John Paul II
“sa pagka-alipin” (4:9; 5:1) at nasa ilalim ng “sumpa” ng Diyos (3:10),
sapagkat hindi niya sinunod “ang katotohanan” (3:1; 4:16; 5:7) na “nagayuma”
ni Satanas at ng kasalanan (3:1). Ang Diyos ay hindi maaaring lokohin:
sinuman na “bumabaluktot sa ebanghelyo ni Cristo” (1:7) “ay tatanggap ng
parusa sinuman siya,” kabilang na ang Papa (5:10). Ipinahayag ni apostol
Pablo, “Subalit kahit kami, o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa
inyo ng ebanghelyo na iba sa aming ipinangaral sa inyo, ay hayaan siyang
sumpain!” (1:8). Pagkatapos ay inulit ng apostol ang seryosong salita: “Gaya
ng aming sinabi noong una, at muli kong sinasabi ngayon, kung ang sinuman ay
mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba kaysa inyong tinanggap na ay hayaan
siyang sumpain!” (1:9).
Kung ang mga apostol o anghel man ay susumpain kapag nangaral sila ng ibang
ebanghelyo, paano makakatakas ang Papa? Bilang pinuno ng higit isang bilyong
Romano Catolico, ipinangaral ni John Paul II ang bulaang ebanghelyo ng
kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya at gawa sa lahat ng kontinente,
inaakay ang milyun-milyong tao tungo sa Impyerno. Pinangunahan pa niya ang
isang simbahan na opisyal na kinundina ang ebanghelyo ni Cristo at ang lahat
ng sumasampalataya sa ebanghelyong iyon, dahil ang Kunseho ng Trent kabilang
ng lahat ng mga ‘anatema’ (sumpa) nito (1545-1563) ay sinang-ayunan sa
Vatican II (1962-1965).
(2) Isipin mo rin ang lahat ng kanyang mga idolatriya bilang obispo
ng bulaang iglesia ng Roma. Si John Paul II ay habang-buhay na mananamba sa
‘ostiya’ ng misa, at kanyang sinasamba at hinahalikan ang mga larawang
pangrelihiyon, mga rebulto, mga krus atbp. Inialay niya ang kanyang sarili
at ang buo niyang pagka-obispo sa Birheng Maria at sinikap na itaguyod ang
pagsamba kay Maria (Mariolatriya) sa buong mundo. Hindi niya inilihim na ang
kanyang personal na ‘moto’ ay totus tuus sum Maria (“Maria, ako’y
iyong iyo”). At nariyan pa ang kanyang mga lapastangang pag-angkin na siya
ang pangulo ng iglesia at kahalili (bikaryo) ni Cristo sa mundo. Ang Salita
ng Diyos—ang pamantayan ng lahat ng Kanyang mga paghatol (Juan 12:48)—ay
nakapakalinaw. “Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi
magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga
sumasamba sa diyus-diyosan…ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” (I Cor.
6:9-10). Sa labas ng makalangit na lunsod ay mga “sumasamba sa mga
diyus-diyosan, at ang bawat umiibig at gumagawa ng kasinungalingan,” dahil
ang “mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang
kanilang bahagi ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang
ikalawang kamatayan.” (Apoc. 22:15; 21:8).
Ngunit may awa ang Diyos sa lahat ng mga makasalanang nararapat sa
Impyernong katulad natin na tumalikod mula sa “dumi” ng pagiging matuwid sa
sarili (Fil. 3:8; Isa. 64:6) tungo sa perpektong katuwiran ng Diyos na nakay
Cristo lamang!
Return to
Article Listing
HOME |